Dalisay - Karnal
2nd track from the album “ Ang Trahedya ng Dalisay at Ketungin“
Lyrics:
KARNAL
Kapos/
,salat!/
Gaya ng/ maraming pamilyang naghihikakahos./
Lubog./
Kapit sa patalim/ upang gutom ay maitawid./
Sa paglisan ng kanyang Ina,/
lumipad/ kumayod/ nagsapalaran./
Naiwan sa kanyang/
Amaing/ lango sa bato./
Bangungot ay nakaamba./
Sunog sa palara./
Bait ay gumulong, tinunaw, naging/
usok. Libog at sabog,/
ngunit ang kinakasama’y wala./
Si Lazaro,/
sa kanyang murang gulang at katawan./
Mula sa mga paso ng sigarilyo’t bugbog,/
nilapastangan,/
tinanggalan ng
...kanyang kamusmosan./
Ilang ulit inulit ang panlalapastangan./
Nakasusuklam,/ nakaduduwal./
Pag-asa’y kumupas ngunit hindi/
ang karnal na bangungot./
Lapnos sa kanyang kaluluwa./
Pagkakataon’y sumapit,/
kinalabit ang gatilyo./
Pinutok nang ilang ulit, sabog ang bungo./
Naligo sa dugo ng amaing demonyo./
Takbo!/O Lazaro, takbo palayo!/
CARNAL
Broke/
& Empty!/
Like many families living in poverty,/Show more